-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Malaki ang paniniawala ng abogado ng pamilya ni Christine Angelica Dacera, ang 23-anyos na flight attendant na ginahasa bago pinatay sa isang Hotel sa lungsod ng Makati na matibay ang ebedensiyang nagtuturo sa mga suspek sa krimen.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Atty. Jose Ledda III, na taga-lungsod ng Koronadal, inihayag nito na nais sa ngayon ng pamilya Dacera na hindi na makalabas pa sa detention facility o mabigyan ng release order ang tatlong suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon kay Atty. Ledda, isang high profile case ang kanyang hinahawakan at sigurado umano siyang mas marami pa ang development sa kaso.

Aminado naman ito na hindi magiging madali ang kaso dahil maraming tao ang involve at kailangan imbestigahan ang totoong nangyari.

Samantala, nagsagawa na nang confirmatory autopsy sa katawan ng biktima para sa dagdag pang ebedensiya sa kaso.

Hustisya naman ang ipinagsisigawan ng Pamilya Dacera sa karumal dumal na nangyari sa kanilang kaanak.