-- Advertisements --

Pumanaw na ang abogado at social media influencer na si Bruce Rivera.

Kinumpirma ito ng kampo ng abogado ang pagpanaw nitong linggo.

Dumanas ng aneurysm ang abogado noong Hulyo 2022 at siya ay na-coma.

Matapos ang ilang araw ay nagising siya at sumailalim sa operasyon sa utak at nagpapatuloy na nagpapagaling.

Nitong nakaraang buwan lamang ay ibinahagi ng abogado ang larawan ng pagbisita sa kaniya ni Vice President Sara Duterte.

Kilalang supporter si Rivera kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at malapit din ito sa mga anak ng dating pangulo.