-- Advertisements --

Arestado ang isang abogado, kasama ang driver nito at isang Chinese national matapos umanong manuhol sa mga pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nagtangka kasing manuhol ang mga suspek sa kapulisan para mapalaya ang mga Chinese nationals na naaresto noong nakaraang araw dahil sa pambubugaw sa anim na mga babaeng Vietnamese nationals.

Kinilala ang naarestong abogado na si Joselito Vasquez na siyang may dalang P1 milyon.

Sumunod na naaresto ang driver nito na nagdala pa ng karagdagang P200,000 para pangsuhol sa mga kapulisan ng Regional Special Operations Unit sa Camp Bagong Diwa.

Ang nasabing halaga ay paunang bayad lamang daw sa kabuuang P2 milyon para sa pagpapalaya ng mga naarestong suspek.