Naiuwi na sa bayan ng Apalit, Pampanga ang abo ng overseas Filipino worker na si Grace Prodigo Cabrera, ang pinay worker sa Israel na unang nasawi dahil sa madugung labanan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Maalalang nasawi si Cabrera, 42 anyos, sa unang bugso ng pag-atake ng Hamas sa Kibbutz Be’eri noong unang linggo ng Oktubre at kasama niya ang kanyang matandang pasyente(96y/o) na nasawi.
Mismong ang kanyang kapatid na si Mary Jane Prodigo ang nagdala sa kanyang mga labi pabalik dito sa Pilipinas, kasabay ang iba pang OFWs na dumating kahapon.
Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang mga opisyal ng pamahalaan sa pamilya ni Grace.
Maging si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ay nagpa-abot din ng kanyang pakikiramay at nangakong magbibigay ng tuloy sa mga ito, kahalintulad ng tulong na natatanggap ng mga Israeli na nasawi sa nagpapatuloy na kaguluhan.
Ang naturang kaguluhan ay eksaktong isang buwan na ngayong araw mula nang magsimula ang kaguluhan sa naturang bansa.