-- Advertisements --

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na more than qualified si Secretary Eduardo Año National Security Adviser.

Sa isang statement sinabi ni Abals na kaniyang natunghayan ang sipag at galing ni Año sa trabaho sa ilalim ng Duterte administration.

Sabi ni Abalos kasama niyang nakatrabaho ang kalihim sa pagbuo ng mga development of strategies at naghahanap ng mga paraan para matiyak ang kaligtasan ng Metro Manila residents sa ilalim ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases nuong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Kabilang dito ang implementasyon ng health and safety protocols at ang pag rollout sa Covid-19 vaccination program sa ibat ibang rehiyon.

Siniguro ni Abalos na maasahan ang bagong National Security Council (NSC) chief at tiniyak ang suporta at kooperasyon ng DILG at ng Philippine National Police kasama na ang mga LGU sa mga programa at polisiyang ipapatupad ni Ano para sa pangkalahatang seguridad at kapayapaan ng bansa.

Si Ano ang pumalit sa pwesto Dr. Clarita Carlos na bumaba sa pwesto para ipagpatuloy ang scholastic endeavors nito sa Congressional Policy and Budget Research Department ng House of Representatives.