May kabuuang 650 local chief executives (LCEs) ng mga piling local government units (LGUs) mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang dumalo sa Kapit-Bisig Laban ng Department of Social Welfare and Development sa Pampanga ngayong araw.
Ang consultative meeting ay naglalayon na magbigay ng lugar para sa interactive na pakikipag-ugnayan sa mga nagpapatupad na LGU upang talakayin ang mga milestone ng Kalahi-CIDSS.
Gayundin na mapag-aralan ang mga susunod na hakbang upang mapabuti pa ang programa.
Ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services ay isang poverty alleviation program na ipinatupad ng DSWD gamit ang kanilang community-driven development approach.
Una nang sinabi ni Lopez na makikinabang ang DSWD at LGUs sa karanasan ng mga local chief executive sa pagpapalakas at pagpapahusay ng kanilang mga proyekto sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga sub-projects sa ilalim ng nasabing social service.