-- Advertisements --
image 360

Tinatayang aabot sa P7M pesos ang nakumpiska ng mga awtoridad sa kanilang isinagawang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operator hub sa Pasay City noong August 3 ng kasalukuyang taon.

Kabilang rito ang 24, 000 na mga pre-registered SIM Cards , 9,000 na mga smartphones , passports, credit cards at mga dokumento mula sa 32 vaults sa SA Rivendell Gaming Corporation.

Ang naturang korporasyon ay umano’y scam hub na nagtatago bilang Philippine Offshore Gaming Operator.

Ayon kay Senior Technical Adviser and Liaison officer of the Presidential Anti-Organized Crime Commission na si Winston John Romero Casio, ang mga nakulimbat na SIM Card ay hindi pa nabubuksan .

Kaugnay nito ay nakipag-ugnayan narin aniya sila sa Telecommunication company na involved matapos na gamitin ang kanilang SIM.

Kung maaalala, nagsagawa ng operasson ang Philippine National Police – CIDG kung saan nagresulta ito sa pagkaka aresto sa mahigit dalawang libong indibidwal na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking.

Sila umano ay naatasang magsagawa ng mga aktibidad na may kinalamang sa love scam, illegal gambling at cryptocurrency scams