-- Advertisements --

ROXAS CITY – Totally burned ang apat na bahay ng magkakamag-anak habang isa ang sugatan sa nangyaring sunog sa Barangay Tiza, Roxas City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Ramon Albay 72-anyos sinabi nito na umiinom ito ng kape sa kubo malapit sa kanilang bahay ng makita ang lumalagablab na apoy.

Tinangka pa ng anak nitong si Johnny na pasukin ang bahay para maisalba ang kanilang damit, ngunit hindi na ito nakapasok dahil sa malaking apoy na mula sa nasusunog na bahay.

Dahil dito ang dalawang tricycle na lamang nilang mag-anak ang naisalba ni Johnny na nagtamo ng 1st degree burn sa kamay at ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City Fire Station na faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog.

Napag-alaman na gawa sa light materials ang nasabing mga bahay.

Samantala umapela ng tulong ang pamilya Albay dahil wala silang mapagkunan ng kanilang pangangailangan matapos naabo ang lahat ng kanilang gamit dahil sa sunog.