-- Advertisements --
image 52

Bumilis pa sa antas na 8.1% ang inflation sa Pilipinas noong Disyembre 2022. Ito umano ang pinakamabilis na naitalang inflation mula noong Nobyembre 2008.

Ayon kay Philippine Statistics Authority undersecretary Dennis Mapa, ang pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation noong Disyembre 2022 kaysa noong Nobyembre 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages, restaurant at accomodation services, pabahay, kuryente at gas.

Binanggit din ni Mapa ang siyam na nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong disyembre 2022, ito ay ang food and non-alcoholic beverages at tabaco na may inflation na 10.2 %, clothing at footwear na may 3.9% inflation, pabahay, tubig, kuryente, gas na may 7.0%, furnishing, household equipment at routine household maintenance na may 4.8% inflation at health na may 3.1 % inflation. Kabilang din dito ang recreation, sport and culture na may 3.9% inflation, restaurants and accommodation services na may 7.0 % inflation, personal care, miscellaneous goods and services na may 4.5% inflation.

Samantala nag pakita naman umano nang pagtaas ng presyo ngunit sa mas mabagal na antas nitong disyembre ang transport na may 11.7% inflation.

Nananatili naman sa kanilang antas ng inflation noong nombyembre 2022 ang Information and Communication na may 0.7%, Education Services na may 3.6% at Financial Services na may roong 0.0% inflation.

Ang core inflation naman sa bansa ay bumilis din sa antas na 6.9% nitong Disyembre 2022. Noong Nobyembre 2022 ang core inflation ay naitala sa antas na 6.5% at 1.8% naman noon Disyembre 2021.