-- Advertisements --
image 119

Pinag-aaralan na ng Tanay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang planong pagbabago ng kanilang paraan ng pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan matapos ang pagkasawi ng walong indibidwal na lulan ng pampasaherong jeep.

Ngunit inaasahang magpapatuloy pa din ang pagbibigay ng tulong pinansyal ang Tanay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa lungsod ng Tanay para sa mga residente nito, ayon yan sa pinuno ng ahensya na si Norberto Matienzo Jr.

Sinabi ni Matienzo na nakipagpulong na ang Office of the Civil Defense (OCD) kasama ang Regional Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tugunan ang mga kanilang kinakailangan.

Ang nasabing pahayag ay ginawa ni Marienzo nang tanungin tungkol sa paggawa ng mga pagbabago sa sistema ng pamamahagi tulad ng mga tauhan ng gobyerno na dapat ipadala sa mga malalayong lugar upang magbigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.

Kung maaalala, walong pasahero ng isang jeepney na kung saan pitong senior citizen at isang limang taong gulang na bata ang nasawi sa Barangay Sta. Ines sa Tanay, Rizal matapos tangayin ng flash flood.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng nasabing ahensya ang maaaring pagbabago sa pamamahagi ng mga ayuda lalo na sa mga senior citizen upang maiwasang mangyari muli ang anumang masamang insidente.