-- Advertisements --
image 180

Pinuri ng Ukraine ang pagdalo ng diplomat ng China na pinaka-makapangyarihang kaalyado ng Russia sa summit na idinaos sa Saudi Arabia bilang diplomatic victory na naglalayong humanap ng paraan para sa kapayapaan sa Ukraine.

Ang naturang summit ay una na ring kinondena ng Russia at inihayag na tiyak na mabibigo lamang.

Sa panig naman ng China, pinuri din nito ang nagpapatuloy na dalawang araw na summit na ginanap sa port sea city ng Jeddah, Saudi Arabia na nakatulong aniya para malikom ang international consensus sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Mahigit 40 bansa ang dumalo kabilang ang Ukraine, US, European states at the BRICS group of countries na kinabibilangan ng world economies ng Brazil, Russia, India, China at South Africa.

Ayon naman sa panig ng Russia, hindi umano sila inimbitahan sa naturang pagpupulong subalit nakamonitor sila dito.

Una na ring inihayag ng China na neutral ang katayuan nito sa conflict sa pagitan ng kaalyado nitong Russia at Ukraine subalit sa kabila nito pinaigting pa lalo ni Chinese President Xi Jinping ang relasyon ng kanilang bansa sa Russia.

Top