-- Advertisements --

Ikinadismaya ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kakulangan ng bomb shelters sa kaniyang bansa.

Dahil dito ay naglunsad ito ng inspections matapos ang pagkasawi ng tatlong katao kabilang ang isang bata na nagtungo sa nakasarang bomb shelter.

Sa isinagawang pulong nito sa National Security and Defense Council ay inilabas niya ang kaniyang pagkadismaya dahil sa kakulangan ng mga bomb shelter.

Pinatitiyak nito sa kaniyang mga sundalo ang paglalagay ng sapat na bilang ng mga bomb shelters para may pagtaguan ang mga mamamayan nito sa pag-atake ng Russia.