Inaprubahan na sa ikalawang pag-basa ang House Bill No. 7325 o Magna Carta of Seafarers.
Layon ng panukala na tugunan problemang kinakaharap ng maritime higher educational institutions pagdating sa shipboard training ng kanilang mga kadete.
Paraan din ito para makasunod ang Pilipinas sa itinatakdang International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW Convention).
Sa ilalim ng panukala, sisiguruhin ang proteksyon ng seafarers tulad ng pagkakaroon ng proper work condition, pantay at patas na employment terms at sapat na career opportunity.
Magkakaroon sila ng standard employment contract na naglalaman ng terms and conditions ng employment na aprubado nng Department of Migrant Workers at sumusnuno sa probisyon ng 2006 Maritime Labor Convention.
Ang mga maritime higher education institutions na nagaalok ng Bachelor of Science in Maritime Transportation, Bachelor of Science in Maritime Engineering at iba pang maritime degree program at dapat mayroong barko o pumasok sa kasunduan sa mga shipping company para magkaroon ng kaukulang pagsasanay ang kanilang mga estudyante.
Positibo naman si Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo na sa susunod na linggo ay maaprubahan na ito sa ikatlong pagbasa.
Ipinunto ni Salo, hindi lamang ito bilang proteksyon para sa mga Pinoy seafarer ngunit paraan din upang mapalakas ang Maritime Industry ng bansa.









