-- Advertisements --
Ikinatuwa ng mga Marvel fans sa China dahil sa pagpayag na ng gobyerno na maipalabas ang mga Marvel movies.
Sa darating na Pebrero 7 kasi ay maipapalabas na ang ilang Marvel movies gaya ng “Black Panther” na susundan ng “Ant-Man”.
Huling nagpalabas ng mga Marvel Movies sa China ay noon pang 2019.
Hindi naman ipinaliwanag ng Chinese government ang dahilan ng pagbabawal nila ng mga Marvel movies sa kanilang bansa.
Maraming mga kritiko ang nagsabi na kaya ipinagbawal ang nasabing mga pelikula ay dahil sa matinding tension sa pagitan nila ng US.










