-- Advertisements --
bilibid 1

Nais ng isang Senador na paimbestigahan sa Department of Justice (DOJ) ang alegasyon ng isang inmate na murder o pinatay at hindi covid-19 ang sanhi ng pagkasawi ng mga high profile inmate sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, ito ay hindi lamang nakakabahala kundi pagyurak sa ating criminal justice system.

Hinimok din ng mambabatas ang kasamahan nito sa Senado na imbestigahan ang naturang isyu.

Ginawa ng Senadora ang naturang pahayag matapos na ibunyag ng inmate na si Rodel Tiaga na nasaksihan nito ang pagpatay sa umano’y drug lord na si Eugene Chua sa isang Site Harry na isang quarantine facility sa Bilibid para sa mga covid-19 patients.

Lumalabas kasi sa medical certificates ni Chua na namatay ito dahil sa cardiopulmonary arrest bunsod ng covid-19 noong Hunyo 2, taong 2020 subalit lumalabas na nasuffocate ito gamit ang plastic bag.

Base naman sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) tatlong linggo sa kalagitnaan ng 2020, natuklasan na mayroong criminal intent sa pagkamatay ng walong high profile inmates na nauna ng iniulat ng Bureau of Corrections na mga biktima ng covid-19.