-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang humihiling para sa pagtaas sa P1,000 bilang buwanang social pension para sa mga mahihirap na senior citizens sa bansa.

Nasa 18 ang bumoto ng pabor sa Senate Bill No. 2506 habang wala namang tumutol at nag-abstain.

Sakaling maging ganap na batas ang naturang panukala, ang mga indigent senior citizens ay entitled na makatangagp ng P1000 buwanang social pension.

Ayon pa kay Senator Joel Villanueva, chairman of the Senate subcommittee sa ilalim ng Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, na hindi na ichacharge pa sa benepisyaryong senior citizen ang transaction fee para sa cash payout ng kanilang pension.

Nauna ng inaprubahan ang House Bill para sa karagdagang pension ng mga senior citizen noong Agosto sa nakalipas na taon.