-- Advertisements --
Sugatan ang walong katao matapos ang serye ng pagsabog ng granada sa Datu Unsay, Maguindanao.
Naganap ang insidente pasado ala-siyete ng gabi ng Linggo o isang araw bago ang Mayo 9, local and national elections.
Sinabi ni Col. Jibin Bongcayao, ang hepe ng Maguindanao Provincial Police Office na unang nakatanggap sila ng ulat na mayroong apat na insidente ng pagsabog ng granada sa Datu Unsay at isa sa bayan ng Shariff Aguak.
Posibleng galing umano sa M-79 launcher ang nasabing pagsabog.
Nagsasagawa na ang imbestigasyon ang mga otoridad habang nasa pagamutan ang mga sugatang biktima.










