-- Advertisements --
Mahigit 30 katao ang nasawi dahil sa kilos protesta ng mga health workers sa Bissau, Guinea.
Ayon sa tagapagsalita ng union ng mga nurses na dahil sa insidente ay naparalisa ang operasyon ng maraming pagamutan.
Nag-boycott kasi ang mga health workers dahil sa hindi magandang working conditions at ang hindi tamang pasahod.
Sinabi naman ni tagapagsalita ng gobyerno na si Fernando Vaz na kanilang papanagutin ang mga responsable sa pagkasawi ng mga health workers.
Karamihan mga medical clinics sa bansa ay walang suplay ng kuryente at tubig, mababang pasahod at ang mortality rate ay mataas.









