Umaapela ang ilang mga kongresista sa mga kapwa nila mambabatas na huwag nang sirain ang momentum sa Kamara at hayaan na lamang si Speaker Alan Peter Cayetano na manatili biling lider ng kapulungan.
Naniniwala si Deputy Speaker Neptali Gonzales na kung ang mga kongresista lamang ang magpapasya ay mananatili bilang House Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.
Sabi ni Deputy Speaker Neptali Gonzales na naipakita na si Cayetano ang kalibre ng kanyang pamumuno bukod pa sa kanyang karanasan sa pulitika.
Bilang isang dating majority leader ng Senado sinabi ng mambabatas na isa itong malaking advantage ng Kamara dahil sa pagiging familiar sa pakikipag-usap sa mga senador.
Ngayon din lamang anya sa ilalim ng liderato ni Cayetano nagkaroon ng malapit na relasyon ang Mababang Kapulungan sa mga miyembro ng gabinite bilang dati ring alter-ego ng pangulo ang house speaker.
Para naman kay House Committee on People Participation Chair at San Jose del Monte Rep. Rida Robes, ang kailangang pag-usapan ngayon ay ang serbisyo sa sambayanan bago ang pagpapalit ng liderato ng Kamara.










