-- Advertisements --

Handa ang Pilipinas na gumastos ng P140 billion para sa isang economic stimulus plan ngayong taon, na ayon sa Department of Finance (DOF) ay maaring itaas ng hanggang P180 billion.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III, madadagdagan ang pondong gagamitin para sa economic stimulus plan sa oras na maisabatas na ang pending tax reform package.

Ayon kay Dominguez, handa ang pamahalaan na gumastos ng P140 billion, habang ang karagdagang P40 billion na tax credits ay manggagaling sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill.

Layon ng panukalang ito na kaagad na magpataw ng 5 percentage point cut sa corporate income tax (CIT) rate.