-- Advertisements --

Ilang buwan nang tinututukan ng Department of Energy (DOE) ang paghahanda laban sa umiiral na El Niño ngayong taon.

Sa Visayas, nakatakdang pumasok ang karagdagang battery storage sa unang bahagi ng 2027, kasabay ng pagsasaayos sa pagtatalaga ng 273 MW na power barges sa mga isla.

Pinabibilis na rin ng kagawaran ang pagpasok ng 4,000 MW na renewable energy capacity ngayong 2026 at karagdagang 2,000 MW sa 2027.

Nanawagan si Energy Secretary Sharon S. Garin na kaalinsabay ng pagpapalakas sa suplay, isulong din ang demand-side management sa pamamagitan ng matalinong pagkonsumo ng kuryente.

Ayon sa DOE, ang magkasabay na kahandaan sa suplay at demand ay nagbibigay-katiyakan na magiging matatag ang suplay ng kuryente ngayong El Niño.