-- Advertisements --

Arestado ang tatlong high-priority wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Batangas, La Union, at Negros Oriental noong Nobyembre 23, 2026. Nahaharap ang mga ito sa mabibigat na kasong kriminal, kabilang ang kidnapping, murder, attempted murder, homicide, at statutory rape.

Kabilang sa mga naaresto ang No. 3 Most Wanted Person sa Region 4A sa Tuy, Batangas, na nahaharap sa kasong kidnapping, dalawang bilang ng murder, at anim na bilang ng attempted murder.

Nadakip din sa Caba, La Union ang No. 10 Most Wanted Person sa Region 1 na nahaharap sa kasong homicide, habang inaresto naman sa Mabinay, Negros Oriental ang No. 6 Most Wanted Person sa Negros Island Region na nahaharap sa kasong statutory rape.

Isinagawa ang mga operasyon sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng mga kinauukulang hukuman. Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong suspek para sa kaukulang proseso ng batas.