Binatikos ni University of the Philippines (UP) School of Economics Associate Professor Dr. Jan Carlo Punongbayan ang mungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano na mag-ambagan ang mga Pilipino para mabayaran ang utang ng Pilipinas.
Bago nito ay nagpahayag si Cayetano ng pagkabahala sa lumulubong utang ng Pilipinas at inirekomenda ang pagbuo ng isang mekanismo para sa mga ‘generous Filipinos’ na nagnanais magbigay ng voluntary contribution.
Ang maiipong kontribusyon aniya ay maaaring magamit para bayaran ang utang ng bansa.
Pero ayon kay Dr. Punongbayan, maling-mali ang mungkahi ng Senate Minority Leader.
Paliwanag ng opisyal, hindi sinasalamin ng naturang pahayag ang sistema ng public debt dahil ang gobyerno ang umutang at ito rin ang dapat magbayad mula sa kinikita ng gobiyerno.
Hindi aniya akma na sinisingil sa mga indibidwal ang anumang ibabayad sa naturang utang, gaano man ito kalaki.
Katwiran pa ng propesor, hindi debt per capita ang ginagamit na sukatan ng mga ekonomista kundi ang debt-to-GDP ratio – na akmang gamitin sa pag-utang ng Pilipinas Pilipinas.











