-- Advertisements --

Pinayuhan ng grupo ng mga supermarkets sa bansa ang mga mamimili na maging mapanuri sa kanilang mga binibili ngayong nalalapit ang panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Steven Cua, executive director of the Philippine Amalgamated Supermarkets Association, na dumami ang bilang ng mga namimili ng mga murang brands at nagtitipid na rin.

Subalit paliwanag ni Cua na hindi porket maliit ang nabili ay makakamura na.

Ibinabala nito na ang pagbili ng mga mas maliit na pakete ay mas mahal kada gramo.

Inihalimbawa nito na maaring sapat na rin ang P800 na Noche Buena food package na maaaring ipamahagi sa pasko.

Subalit paglilinaw nito na hindi ito sapat para pagsaluhan ng limang miyembro ng isang pamilya.

Dahil dito ay hinikayat niya ang mga konsyumers na pagkasyahin ang anumang halaga na nakalaan sa kanilang mga budget.