-- Advertisements --

Pinatawan ng gobyerno ng China ng parusang kamatayan ang isang opisyal ng gobyerno dahil sa pamamahagi ng sekreto ng estado at mga classified documents sa foreign intelligence agent.

Ayon sa National Administration of State Secrets Protection ng China na ang hinatulang opisyal ay nilapitan ng isang babae at siya ay ni-recruit habang nasa trabaho sa ibang bansa.

Hindi na naman nagbigay pa ng impormasyon ang China sa mga detalye ng hinatulang opisyal ng gobyerno.

Base sa paunang imbestigasyon na nagkunwaring magpapaturo sana ang babae ng pagsalita ng Chinese.

Napaibig umano ng babae ang opisyal ng gobyerno kung saan lumalim ang kanilang ugnayan hanggang maibigay nito ang ilang mga sensitibong mga impormasyon.

Ipinakilala siya sa ilang kasamahan kung saan kapag hindi ito sumama sa kanilang grupo ay isusumbong nila ang ginagawa nitong pagtataksil sa gobyerno.

Pagbalik ng opisyal sa China ay nagpadala ito ng ilang daang mga classified intelligence documents kapalit ang buwanang sahod at dagdag naman na bonus kapag nagpamahagi ito ng pangunahing mga materyales.

Napatunayan ng korte sa China na nagpadala ang suspek ng siyam na dokumento na itinuturing na state secrets at 26 na dokumento na maituturing naman na confidential kapalit ang mahigit na $150,000 na kabayaran para sa pang-iispiya.