Nahaharap ngayon sa panibagong ‘arrest warrant’ ang puganteng si Charlie ‘Atong’ Ang patungkol sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Ito mismo ang kinumpirma ng tagapagsalita ng Department of Justice na si Atty. Polo Martinez ngayong araw, ika-24 ng Nobyembre.
Ayon kay DOJ Spokesperson Martinez, noong Oktubre 30, 2026 ay nag-isyu ang Manila Regional Trial Court Br. 175 ng ‘arrest warrant’ kontra kay Atong ANg.
Batay sa kautusan, nakitaan ng korte ng sapat na ebidensiya upang maitaguyod ang ‘probable cause’ para sumailalim sa paglilitis ang mga akusado.
Maliban kay Atong Ang, kapwa-akusado niya sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention si PLTCOL Ryan Jay Orapa.
Alinsunod sa inilabas na kautusan ng korte, hindi pinahintulutan makapagpiyansa ang naturang mga akusado sa kaso.














