-- Advertisements --

Naniniwala si Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro na mayroong mga economic benefit ang mga military assistance ng US.

Ayon sa kalihim, ang pagpapatatag sa militar at sa defense sector ay isa sa mga pundasyon ng mas matibay at mas matatag na ekonomiya ng Pilipinas.

Ginawa ng kalihim ang pahayag bilang kasagutan sa mga nagsasabing mas mabuti sanang ekonomiya na lamang ng bansa ang tulungan ng US na i-angat, sa halip na defense.

Ayon kay Sec. Gibo, nais ng Pilipinas at ng partner countries na patatagin muna ang kakayanang pang-depensa sa bansa upang mapataas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan na maglagak ng malalaking investment.

Kung batid aniya ng mga investor na ‘secured’ ang kanilang puhunan, tiyak na mas maaming mga business sector ang kanilang papasukin.

Naniniwala ang kalihim na kung walang matibay na depensa ang isang bansa, wala ring matibay na ekonomiya.

AV1 – Sec. Gilbert Teodoro

Nilinaw din ng kalihim na ang mga US military at defense assistance ay ibibigay sa bansa hindi bilang cas kungdi bilang mga kagamitan at teknolohiya.

Tinukoy nito ang Foreign Military Financing (FMF) loan package na nagkakahalaga ng mahigit $2 billion, kasama ang $400 million na hiwalay na military financing, kung saan tatanggap ang Pilipinas ng mga makabagong military facilities at mga gamit-pandigma.

Ayon sa kalihim, lahat ng ito ay inaasahang magpapatatag sa military capability ng Pilipinas, salig sa modernization plan ng Armed Forces of the Philippines.