Ibinahagi ni Miss Universe Philippines Bea Millan-Windorski sa kanyang social media ang kanyang national costume na Diwa ng Kordilyera na hango sa mayaman at makulay na kultura at tradisyon ng mga katutubong pangkat sa Cordillera, Northern Luzon.
Tampok sa kasuotan ang mga disenyong inspirasyon ng Kalinga tattoos, mga beadwork, at tradisyonal na paghahabi ng Mountain Province. Kapansin-pansin din ang mga palamuting banga na hango sa Banga Salidsid ng Kalinga, bilang pagpupugay sa lakas, tatag, at ganda ng kababaihang Kalinga na nagbabalanse ng mga banga habang naglalakbay sa matatarik na kabundukan upang umigib ng tubig.
Mapapanood ang Miss Universe 2026 sa Nobyembre 25, kung saan muling ipapakita ng Pilipinas sa entablado ng mundo ang yaman ng kulturang Pilipino.
















