-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng FBI ang pag-hack sa kanilang criminal database.

Ang National Crime Information Center (NCIC) database ay iniisyu sa mga local law enforcment para ibahagi ang impormasyon ng warrants at background checks.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na tinarget ng hackers ang FBI.

Ang nasabing breach ng FBI database ay naganap matapos ang sunod-sunod na tech outages na tumama sa mga bangko, air traffic at ilang sektor sa US.

Dahil na rin sa pangyayari ay sinibak ni US President Donald Trump si Sean Cairncross ang National Cyber Director.

Magugunitang noong Setyembre ay iniimbestigahan na ng FBI ang umanoy breach ng cyber-crime group na Shiny Hunters na nagnakaw ng sensitibong impormasyon sa lahat ng staff ng bureau.