Patuloy pa rin ang pagbuhos ng pakikiramay sa mga kapwa basketbolista para sa namayapang si Peter June Simon.
Pinangunahan ito ng kaniyang dating team mates na si Mark Barroca kung saan nabigla ito sa pangyayari.
Maging ang kasamahan nito sa koponan na si JC Intal ay hindi makapaniwala kung saan iniidolo pa nila si Simon sa paglalaro ng basketball.
Kaniya-kaniyang nagbahagi sa kanilang mga social media ang ilang dating PBA players na nakasama at nakalaro si Simon.
Sa video na ipinost ni Paul Artadi ay makikita ang pagiging malapit nito sa Diyos.
Habang nag-share naman ng mga larawan kasama ang ilang manlalaro gaya nina Marc Pinger at James Yap.
Maging ang ilang mga dating coach na si Chito Victolero ay labis na nalungkot sa nangyari kay Simon.
Humiling naman ang pamilya ng basketbolista ng ‘privacy’ kung saan nakiusap sila sa mga fans na huwag muna dumalaw sa punerarya kung saan nakalagak si Simon.
Magugunitang bigla na lamang nawalan ng malay si Simon habang nasa exhibition game sa lungsod ng Davao kung saan dinala pa siya sa pagamutan subalit hindi na ito umabot.














