Hindi bibigyan ng pondo ng Senado ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH na walang sapat na basehan o supporting documents.
Ito ang iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian kaugnay ng mas mahigpit na pagsusuri at pagmamatyag ng ng Senado sa panukalang 2027 national budget.
Ayon kay Gatchalian, kailangang magsumite ang DPWH ng limang mahahalagang dokumento bilang patunay na pinag-aralan at handa nang ipatupad ang mga proyektong hinihingan ng pondo.
Kabilang sa mga kinakailangang dokumento ang feasibility study, resolusyon mula sa local government units o LGUs, at technical description ng proyekto.
Binigyang-diin ni Gatchalian na kung hindi makukumpleto ang mga kinakailangang dokumento, aalisin ang mga naturang proyekto sa panukalang pambansang budget.
Dagdag pa niya, maaari pa ring maisaalang-alang ang mahahalagang proyekto kapag nakumpleto na ng DPWH ang mga kinakailangang dokumento.
Samantala, nakatakdang simulan ng Senado ang plenary deliberations sa panukalang 2027 national budget sa November 23.














