Inilabas ni President Ferdinand Marcos Jr sa 33rd APEC Economic Leader’s Meeting ang isyu ng iligal at unregulated na pangingisda.
Sinabi ni Pangulong Marcos na dapat ay tugunan na ang nasabing problema ng iligal na pangingisda.
Bukod pa dito ay isinusulong ng pangulo ang digital transformation ng micro,small at medium enterprises sa pamamagitan ng artificial intelligence at sustainable blue economy.
Tiniyak din ng Panglo ang suporta sa multilateral trading system na naging sentro noong hawakan ng Pilipinas ang chairmanship sa ASEAN.
Iginiit ng Pangulo na ang Digital Economy Framework Agreement ang siyang pinaka-sentro sa hosting ng Pilipinas ng ASEAN.
Una ng sinabi ng pangulo na ang mga dapat napag-usapan sa APEC ay magkaroon ng benepisyo ng mga tao sa pamamagitan ng maraming trabaho, madaling maabot ang healthcare at ang paghahanda sa demographic na pagbabago sa lumalagong ekonomiya.















