Lalo pang bumagsak ang temperatura sa iba’t-ibang bahagi ng Benguet sa kasagsagan ng Amihan Season.
Ito ay sa kabila ng El Nino phenomenon na kasalukuyang nararanasan sa bansa.
Batay sa datus ng state weather bureau, bumaba sa 7.0°C ang temperatura sa La Trinidad, Benguet nitong Nov. 18, 2026.
Ayon pa sa weather bureau, ito na ang pinakamababang record sa bansa ngayong Amihan season, at posibleng lalo pang bababa habang umuusad ang naturang weather system. Halos maabot na ng naturang temperatura ang pinakamababang temperatura sa kasaysayan ng Baguio City na umabot sa 6.3°C.
Ang 7.0°C na temperatura ay malayong mas mababa kumpara sa dating 11.7°C na naitala sa La Trinidad noong November 17, 2026.
Bago nito ay naitala rin ang malawakang epekto ng andap o frost sa mga sakahan sa Benguet, ilang araw na ang nakakalipas.















