Dumating na sa Pilipinas si US President Donald Trump para sa pagdalo nito sa 49th ASEAN Summit.
Ang Pilipinas ang siyang unang bansa sa kaniyang tatlong-araw na biyahe sa Asya.
Huling dumalaw kasi sa Pilipinas si Trump ay noong unang termino sa taong 2017.
Pasado ala-singko ng hapon nitong Martes, Nobyembre 17 ng lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Sinalubong siya ng banda at ilang opisyal ng gobyerno sa pamumuno ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.
Pinahawakan sa kaniya ang bandila ng US at Pilipinas na kaniyang winagayway.
Tumugtog ang banda ng paborito nitong kanta na “YMCA” ng grupong Village People.
Matapos nito ay sumakay siya sa kaniyang “Marine One” helicopter para pulungin ang mga lider ng India, Japan at Australia bilang miyembro ng QUAD.















