Hinigpitan ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang pang-seguridad para sa mga nalalabing aktibidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa.
Kasabay nito, nilinaw ng PNP na hindi nila pinagbabawalan ang mga naarestong raliyista na mabisita ng kanilang mga kamag-anak at abogado sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ayon kay PNP spokesperson PBGEN Allen Rae Co, nagpapatupad lamang sila ng mas mahigpit na regulasyon dahil isang kampo ng pulisya ang pinagdalhan sa mga inarestong indibidwal.
Bukod sa paghihigpit ng seguridad, pinuna rin ni Co ang pagdadala ng mga bata ng ilang raliyista sa gitna ng mga kilos-protesta.
Iginiit ng opisyal na posibleng ginagamit lamang ng mga militante ang presensiya ng mga menor de edad upang makakuha ng simpatiya mula sa publiko.
Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng kapulisan sa mga pangunahing lugar ng pagtitipon upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan hanggang sa pagtatapos ng mga aktibidad ng ASEAN.













