Ipinagtanggol ng Philippine National Police (PNP) ang kumalat na larawan online na nakaparada ang isang patrol car nila sa isang motel.
Ayon kay PBGeneral Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, na dapat intindihin ng publiko na maaring galing sa ibang lugar pa ang kapulisan at napili nila ang nasabing motel na pagpahingaan.
Wala aniyang masama ito dahil sa normal lamang sa mga kapulisan na mapagod at kailangan din ang pamamahinga.
Halos lahat aniya ng mga hotel sa Metro Manila ay fully-booked na dahil sa pagdating ng mga bisita sa 49th ASEAN Summit.
Limitado din ang budget ng PNP kaya ang mga mumurahing motel lamang na maaaring pagpahingaan ng mga ito habang sila ay naka-deploy bilang dagdag na puwersa sa ASEAN Summit.
Magugunitang umani ng batikos ang pagkalat ng larawan na nakitang nakaparada ang patrol car ng pulis sa isang motel















