-- Advertisements --

Ipinamalas ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kagandahan ng kulturang Pilipino sa pagbubukas ng 49th ASEAN Summit 2026 sa pamamagitan ng isang likha ng kilalang Filipino fashion designer na si Francis Libiran.

Suot ng Unang Ginang ang isang klasikong midi Filipiniana na yari sa malambot na blush crepe, na pinalamutian ng maseselang filigree na hango sa tradisyonal na burdang Pilipino.

Ayon kay Libiran, eksklusibong idinisenyo ang kasuotan para sa Unang Ginang bilang pagdiriwang sa husay, sining, at mayamang pamana ng kulturang Pilipino.