Pormal ng naupo bilang Philippine Navy Chief na si Vice Admiral Alan Javier.
Siya na ang pang-42 Flag Officer in Command nig Philippine Navy.
Pinalita niiya si VADM. Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta na nagretiro na matao ang mahigit na 35 taon sa military service.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang change of command at retirement ceremony sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila nitong Biyernes, Nobyembre 13.
Bago ang kaniyang appointment ay itinalaga siya bilang namumuno ng Western Command (Wescom) na siyang nagbabantay sa mga operasyon sa Palawan at West Philippine Sea.
Naging commander din siya ng Western Naval Command o dating kilala bilang Naval Forces West at naging chief of Naval Staff.
Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro ang pagtatalaga kay Javier kung saan inaasahan ng Kalihim na mapalakas ang paglaban sa mga manunupil na nasa West Philippine Sea.













