-- Advertisements --

Itinuturing ni double Olympic gold medalist Carlos Yulo ang paggamit ng Artificial-intelligence sa mga judging ng iba’t-ibang torneo.

Sa nagdaang 2026 World Artistic Gymnastics Championships ay hindi ito umabot sa podium sa floor exercise at vault.

Dahil dito ay bigo nitong madepensa ang kaniyang titulo na nakamit noong 2025.

Bagamat hindi nagtagumpay ay wala umano itong bahid ng pagsisisi sa kaniyang mga performance.

Alam aniya nito na naibigay niya ang lahat ng makakaya kaya wala itong dapat sisihin.

Magkakaroon din ito ng maraming adjustments lalo na ngayon at marami na ang gumagamit ng AI para tulungan ang mga judges sa nasabing mga torneo.

Nakatuon ngayon ang nasabing mga adjustments kung saan nakatutok siya para makasama sa 2028 Los Angeles Olympics.