Handang magbigay ng kaukulang tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sakaling tuluyan ng madala sa United States si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) foundera Apollo Quiboloy.
Kasunod ito sa paglabas ng Makati City Regional Trial Court ng extradition arrest warrant laban kay Quiboloy at mga kasamahan nito.
Ayon sa NBI Director Melvin Matibag na dumedepende lamang sila sa anumang kautusan mula sa Department of Justice.
Hihintayin nila ang pormal na maipasakamay ang kopya ng extradition warrant mula sa DOJ.
Paliwanag pa nito na ang proseso ay isusumite ito sa DOJ at sila na lamang ang magpapasya nito.
Magugunitang nitong Biyernes ng maglabas ang Makati City RTC ng extradition warrant of arrest at hold departure order laban sa nakakulong na si Quiboloy at dalawa nitong kasamahan matapos ang petisyon na inihain ng US government.
Nagmula ang extradition request mula sa ilang criminal charges na kinakaharap ni Quiboloy sa US gaya ng child sex trafficking by force, fraud , coercion ganun din ang marriage fraud, visa fraud, money laundering at bulk cash smuggling.














