Nagpakalat ang PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng nasa 716 na mga kapulisan nito sa 49th ASEAN Summit sa bansa.
Ang mga ito ay siyang magigigng escorts ng mga bumibisitang lider na dadalo sa pagtitipon.
Sinabi ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na ang mga deployment ay kinabibilangan ng mga entry riders, motor vehicle escorts at general motor vehicle crews.
Kabilang na kanilang bibigyan ng escorts ay ang mga head of states, mga pamilya ng ministers ganun din mga foreign media representatives.
Dagdag pa nito na ang mga head of states ay sasabayan ng mga HPG na gamit ang mga big bikes.
Habang ang ilang mga delegado ay gagamit lamang ang mga HPG ng maliliit na uri ng motor.
Bilang bahagi ng paghahanda ay kaniya na ring sinuri ang mga motorsiklo na gagamitin sa pang-escort.
Sumailalim na rin sa pagsasaayos ang nasa 72 na mga motorisklo nila.
Tiniyak ni Sangalang ang kanilang kahandaan para sa pagtitipon.
















