-- Advertisements --

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kahandaan ng mga paliparan sa bansa para sa pagdating ng mga head of states ng ASEAN at kanilang mga delegado.

Naapektuhan kasi ang ilang flights at ilang libong mga pasahero dahil sa pagsasagawa ng 49th ASEAN Summit sa bansa.

Sinabi ni CAAP public information officer Bea Bernardo na handa na silang tulungan ang mga darating na iba’t-ibang lider ng bansa na makikbahagi sa ASEAN Summit.

Pinayuhan din nito ang mga pasahero na tingnan maigi ang mga flights nila para hindi sila magkaaberya sa kanilang biyahe.

Mayroong mga airport helpdesk na inilagay para sa mga maapektuhang pasahero.

Paglilinaw din nito na normal screening ang isasagawa sa mga paliparan at wala ding gagawing pagsasara ng mga kalsada.