-- Advertisements --

Hiniling ni Senator Rodante Marcoleta at tatlo pang akusado sa Sandiganbayan Third Division na ibasura ang P75-million plunder case laban sa kanila.

Ayon kay Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, naghain ng kani-kanilang mosyon sina Senator Marcoleta, Mike Defensor, Espiritu, at Viray.

Sa kanilang mga mosyon, humingi ang mga akusado ng pahintulot sa korte na kuwestiyunin ang pagiging sapat ng mga ebidensyang iniharap laban sa kanila.

Ayon naman kay Pulma, bibigyan ng limang araw ang prosecution upang magsumite ng komento kaugnay ng mga mosyong inihain ng mga akusado.

Nahaharap ngayon si Marcoleta sa non-bailable plunder case kaugnay ng umano’y pagtanggap niya ng 75 milyong pisong donasyon habang nanunungkulan pa bilang party-list representative.

Inamin naman ni Marcoleta sa isang panayam na nakatanggap siya ng pondo mula sa mga taong tinawag niyang mga kaibigan.

Sina Defensor, Espiritu, at Viray umano ang nagkaloob ng donasyon kay Marcoleta na nagkakahalaga ng P30 milyon, P25 milyon, at P20 milyon, ayon sa pagkakasunod-sunod.