Sumalang bilang ikaapat na testigo ng defense panel si Atty. Suzette Balucanag-Punay sa ika-42 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Nobyembre 11.
Si Balucanag-Punay, na tumatayong corporate counsel para sa GenCorp Industries, Inc. at Metro City Chow Foods Corp., ay tumestigo upang patunayan na hindi stockholder, opisyal, o direktor ng alinman sa dalawang kumpanya ang Bise Presidente.
Naipagpaliban ang kaniyang orihinal na pagtestigo noong Lunes, Nobyembre 9, matapos itong magkaroon ng naunang nakatakdang MRI procedure.
Pormal na binuksan ang pagdinig sa pangunguna ni Senator-Judge Pia Cayetano na nag-alay ng pambukas na panalangin, at idineklara ang quorum sa pagdalo ng 13 senator-judges sa bulwagan.
Bago ang kaniyang pagtestigo, nauna nang sumalang sa witness stand nitong mga nakaraang araw ang ilang personalidad.
Matatandaang sinita ng ilang senator-judge ang mga naunang testigo dahil sa tila pag-iwas na magbigay ng direktang sagot sa ilang mahahalagang katanungan ukol sa kaso.














