-- Advertisements --

Arestado ang isang 41-anyos na Philippine Navy reservist na kabilang sa No. 9 Station-Level Most Wanted Persons ngayong Nobyembre 2026 dahil sa tatlong kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code. Naaresto siya noong Nobyembre 9, 2026 sa Marikina City.

Dinakip siya ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Marikina City Police Station sa Marikina Justice Hall Building, Barangay Santa Elena, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 165. May inirekomendang piyansang P216,000 para sa tatlong kaso na may kaugnayan sa Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions at Indecent Shows.

Matapos ang pag-aresto, isinailalim ang suspek sa pisikal at medikal na pagsusuri sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center bago dinala sa custodial facility ng Marikina City Police Station.