Hindi nakikipag away ang Pilipinas sa China o anumang bansa.
Ito ang tugon7 ng Armed Forces of the Philippines kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte sa Hongkong na dapat iwasan ng mga opisyal ng pamahalaan ang pakikipag-away sa ibang bansa kabilang ang China, sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tumatayo lang ang Pilipinas sa karapatan nito na ipinagkaloob ng Diyos kasama na ang maritime entitlements, sovereignty at sovereign rights.
Tinitiyak lang umano ng AFP at ng Department of National Defense na mamanahin ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang Pilipinas na buo at malaya.
Kasunod nito, kanyang iginiit na wala namang inaangkin ang Pilipinas na hindi nito pagmamay-ari kaya hindi masasabing nagpapasimuno ito ng gulo.
Samantala, sinabi rin ni Trinidad na may moral obligation ang lahat ng mga Pilipino na ipagtanggol ang national interest ng bansa.















