-- Advertisements --

Inihayag ni US President Donald Trump na opisyal nang iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang ugnayan ng chief executive ng Nvidia na si Jensen Huang sa isang umano’y Chinese spy.

Sinabi ni Trump na nakipag-usap siya kay Huang noong Lunes kung saan itinanggi ng CEO na may kaalaman ito sa pagiging espiya ng kaniyang nakarelasyon na si Alice Huang.

Bunsod ng lumabas na ulat ukol sa alleged espionage campaign, bumagsak ng humigit-kumulang $250 billion ang halaga ng Nvidia sa merkado habang bumaba ng 4% ang share price nito.

Mariing tinanggihan ng kawanihan ng panlabas na ugnayan ng China ang mga akusasyon at tinawag itong walang basehan at isang paraan lamang upang siraan ang kaniyang bansa.

Samantala, nakatakdang ipatawag si Huang sa isang closed-door briefing sa US Congress upang magbigay-linaw sa mga security protocol ng kaniyang kumpanya at sa naging ugnayan nito sa sinasabing intelligence asset ng Beijing.