-- Advertisements --

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Cempaka ngayong 8:40 ng umaga, Lunes, Nobyembre 9, at binigyan ito ng lokal na pangalang “Samuel.”

Huling natukoy ang sentro ng Typhoon Samuel sa layong 1,370 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon habang kumikilos ito Hilagang-Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 km/h.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 120 km/h malapit sa sentro at gustiness na umaabot sa 150 km/h.

Inihayag sa ulat ng panahon na malabo ang posibilidad na direktang makaapekto ang Bagyong Samuel sa pangkalahatang lagay ng panahon sa bansa sa buong forecast period.

Sa kabila nito, magdadala pa rin ng mga pag-ulan ngayong araw hanggang Miyerkules, Nobyembre 11, ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas, pati na ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, at Sarangani.