-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P82.9 bilyon para sa year-end bonus at cash gift ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno.

Makakatanggap ang bawat kwalipikadong empleyado ng bonus na katumbas ng isang buwang basic salary at P5,000 cash gift.

Ayon sa DBM, P73.449 bilyon ang inilaan para sa bonus habang P9.549 bilyon naman ang para sa cash gift.

Sinabi ni DBM Secretary Kim Robert C. De Leon na naipamahagi na ang pondo sa mga ahensya at dapat matanggap ng mga kawani ang benepisyo kasabay ng unang sahod sa Nobyembre.

Kwalipikado rito ang mga kawani na nakapagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan o 120 araw mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2026 sa national o local government.

“Ang Year-End Bonus po ng mga government employees na katumbas ng one month basic salary, kasama ang P5,000 Cash Gift, ay dapat matanggap kasabay ng first salary for November. Na-release na po ng DBM ang pondo para rito, kaya we want to remind our agencies to ensure the timely release of these benefit,” pahayag ni DBM Secretary Kim Robert C. De Leon.

Sinabi ni De Leon na malaking tulong sa mga kawani at sa kanilang pamilya ang nasabing bonus lalo at malapit na ang holiday season.

“Alam po natin na malaking tulong ito sa ating mga kawani at kanilang pamilya, especially ngayong papalapit na ang Pasko. More importantly, this is our way of recognizing and thanking our government workers for their hard work, dedication, and continued service to the Filipino people,” dagdag pa ni Sec. De Leon.