-- Advertisements --

Natukoy na ng Batangas Police Office ang nasa likod ng pagbabanta sa mga paaralan na mayroong magaganap na mass shooting.

Sinabi ni Lipa City Police Chief PLtCol. Aleli Buaquen na kanilang naaresto ang 18-anyos na estudyante.

Sa tulong ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A at Batangas Provincial Cybercrime Response Team ay kanilang sinuri ang cellphone ng inireklamo.

Sumailalim ito sa Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).

Ang mag-aaral na residente ng Barangay Kayumanggi ay natukoy na siyang nasa likod ng online threat na nagbanta mayroong posibleng mass shooting sa kolehiyo ng Lipa noong Setyembre.

Dagdag pa ni Buaquen na naglalabas ng pagbabanta ang suspek dahil ayaw niyang kumuha ng pagsusulit.

Isinasabay umano ng suspek ang pagbabanta tuwing mayroong pagsusulit na isasagawa para ito ay tuluyang makansela.

Hindi naman na inaresto ng kapulisan ang suspek subalit ito ay kanilang sasampahan ng kaukulang kaso.